Kidapawan City – Pinangunahan mismo ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre H. “Bebot” Bello III ang pamimigay sa mga benepisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan sa ating mga Displaced (TUPAD) Workers payout at DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) sa lalawigan ng Cotabato nitong Sabado, Setyembre 25, 2021 sa JC Complex Center, Kidapawan City.
Kasama ng Kalihim sina Cotabato Governor Nancy A. Catamco at 3rd District Representative Jose “Pingping” I. Tejada sa pagsagawa ng ceremonial turnover ng mga tulong pangkabuhayan katulad ng mga sumusunod:
1) DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) check na higit P5.4M para sa 280 benepisyaryo ng pamahalaang panlalawigan;
2) 1 unit tractor and accessories na nagkakahalaga ng P993,000.00 para sa 54 na meyembro ng Malmar Agricultural Farmer’s Association (MAFA) Pikit;
3) TUPAD Payout para sa 150 benepisyary sa bayan ng Mlang;
4) Special Program for Employment of Students (SPES) salaries ng 10 benepisyaryo mula sa bayan ng Makilala
Samantala, P650K naman mula sa DOLE-OWWA Tulong Pangkabuhayan sa Pag-unlad ng Samahang OFWs (Tulong PUSO) program ang tinanggap ng dalawang asosasyon na kinabibilangan ng Nueva Vida OFW Association ng M’lang (P300K) at Nuangan United OFW Association, Kidapawan City (P350K).
Abot naman sa tig P5, 000 hanggang P20,000 ang natanggap ng 10 benepisyaryo mula sa bayan ng M’lang at lungsod ng Kidapawan para sa programang Balik Pinas Balik Pinay (BPBH).
Sa mensahe ni Sec. Bello, nagpahayag ito ng pagsaludo sa kanilang liderato at kapwa niya pinasalamatan sina Governor Catamco at Cong. Tejada dahil sa kanilang maagap at maayos na pagpapatupad sa lalawigan ng Cotabato ng mga programang isinusulong DOLE.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad sina DOLE Under- Secretary Renato L. Ebarle, OWWA Administrator Hans Leo J. Cacdac, Director IV BWC Atty Karen P. Travilla, Lone District Ilo-ilo Representative Julienne Jam Barinda, Mayor Rene Maglanque ng Candaba Pampangga, Board Member Ivy Maria Lei D. Ballitoc, Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista, at iba pang mga opisyal ng DOLE na sina Assistant Regional Director Arlene R. Bisnon, at North Cotabato Field Officer Marjorie P. Laloja.//idcd-pgo//