Pigcawayan, Cotabato- Bilang pagsuporta sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao dumalo sa isinagawang launching at inauguration ng Bangsamoro Integrated Rehabilitation and Development (BIRD) Program, si Cotabato Governor Nancy S. Catamco.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa nitong araw ng Lunes, Agosto 16, 2021 sa Barangay Datu Binasing Pigcawayan, Cotabato na pinangunahan ng Ministry of Interior and Local Government (MILG) at United Nations Development Program.
Kabilang sa proyektong pinasinayaan ngayong araw ay ang 900-meter road project na mapapakinabangan ng ilang barangay na sakop ng BARMM.
Nagbigay din ang BIRD Program ng 20 bangkang de motor at fishnets sa mga mangingisda ng Libungan Marsh, street lights para sa Brgy. Datu Binasing at wheelchairs para sa persons with disabilty (PWDs).
Labis namang ikinatuwa ni Governor Catamco ang nasabing programa ng BARMM na ayon sa kanya malaki ang maitutulong lalo na sa pagpapaunlad ng bangsamoro communities.
Binigyang diin din nito ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pag-abot ng minimithing kaunlaran at kapayapaan.
Nagpasalamat naman si Executive Secretary Abdulraof Macacua bilang kinatawan ni BARMM Chief Minister Alhajj Murad Ebrahim sa suporta ng iba’t-ibang ahensya lalo na ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pagpapatupad ng unang phase ng mga programa at proyekto sa BARMM.
Dumalo rin sa aktibidad sina UNDP Senior Adviser Chetan Kumar, MILG Spokesperson Naguib G. Sinarimbo, MENRE Deputy Minister Ahmad Ebrahim, MTIT Director General Rosslaini Alonto, Pigcawayan Mayor Jean Dino Roquero, Public Works Minister Archt. Eduard Uy Guerra, SDF-PMO Program Manager Mohajirin T. Ali, 602nd Brigade Commander Col. Jovencio F. Gonzales, 34IB LTC Edgardo Vilches Jr.,SGA Administrator Kelly Antao, Brgy. Balakayon Chairman Akmad Tato Tuting, at Brgy. Buricain Chairman Badruddin Awil. //idcd// Photo Credit: AJ Salcedo- PR Team//