Tagalog News: P720M Brgy. Dev’t Fund para sa ELCAC brgys sa Cotabato pinoproseso na

DILG Regional Director Josephine C. Leysa lauded Cotabato Province for the excellent implementation of Lokal Serbisyo Caravan.

LOMONAY, PRESIDENT ROXAS – Pinoproseso na ngayon ng nasyunal na pamahalaan ang pondong abot sa P720M para sa implementasyon ng mga programa at proyekto sa 36 na barangay na benepisyaryo ng Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC) sa lalawigan ng Cotabato.

Ito ay ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) XII Regional Director Josephine C. Leysa matapos mabilis na nakapag-sumite ng mga dokumentong kinakailangan ang Provincial Government of Cotabato para sa pag release ng pondo at implementasyon ng mga proyektong nakaprograma sa bawat recipient barangay ng ELCAC.

Dagdag pa nito na sa 62 ELCAC barangays sa Region XII, 36 rito ang mula sa lalawigan ng Cotabato na makakatanggap ng tig-P20M pondo kada barangay sa ilalim ng Support to Barangay Development Program (SBDP) ng nasyunal na pamahalaan bilang bahagi ng ELCAC. Layunin nito na magbigay ng programa at proyekto sa mga barangay na apektado ng insurhensiya.

Ang nasabing magandang balita ay dala ni RD Leysa nitong Huwebes sa isinagawang Nagkakaisang Adhikain para sa Cotabateños-Local Serbisyo Caravan (NAC-LSC) sa Brgy. Lomonay, President Roxas.

Nagpaabot din ng paghanga si RD Leysa sa pamahalaang panlalawigan sa liderato ni Governor Catamco sa maayos at magandang implementasyon nito ng Serbisyo Caravan.

“Gusto ko kamo i-congratulate – si Governor Nancy and the team kay sa tibuok Region XII kamo ang pinakadamo nga barangay pero una pa gid kamo nagsubmit sang mga papeles nga kinahanglan para ma-proseso ang pondo,” pagsaludo ng direktor.

Nabanggit rin nito ang P12M worth road concreting project ng DILG sa Barangay Lomonay na pinakikinabangan na ngayon ng mga residente. Masaya naman si Governor Catamco sa mga magagandang proyekto na natatanggap ng probinsya mula sa pamahalaang national sa tulong ng DILG.

Napuno naman ng pasalamat ang mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Brgy. Chairman Rolando A. Lawan, Sr. sa isang pambihirang oportunidad na dala sa kanila ng pamahalaan.

Pangalawa na ang barangay Lomonay sa pitong target barangays sa President Roxas na makabenepisyo sa serbisyo caravan ngayong 2021. Dumalo rin sa aktibidad sina DILG Provincial Director Ali B. Abdullah, Board Members Krista Piñol-Solis, Philbert Malaluan, Mayor Jonathan Mahimpit, at iba pang mga lokal na opisyales, at representante mula sa different line agencies.//idcd//