Taos-pusong pinasalamatan ni Cotabato Governor Nancy A. Catamco ang pamilyang nagbigay ng mahigit isang ektaryang lupain na patatayuan ng ospital sa bayan ng Banisilan ngayong taon.
“Daku ang akong pagsaludo sa Calvo family labi na kay Tatay Meling sa walay pagduha-duha nga i-donwte ang ilang lupa para patindugan sa ospital nga dugay nang pangandoy sa mga taga-Banisilan.”
Ang mag-asawang sina Melecio at Lourdes Calvo o kilala bilang sina “Tatay Meling at Nanay Lourdes” sa bayan ng Banisilan ay siyang “donor” ng 11,260sqm na lupain sa Wadya, Banisilan kung saan ipapatayo ang Banisilan District Hospital.
Kinukwento ng gobernadora na tinanong nito si Tatay Meling kung sigurado ba talaga itong ibigay ang bahagi ng kanilang lupain at pareho lang naging tugon nito, kumbinsido ito na ibigay sa gobryerno ang lupain para sa naturang proyekto.
Katunayan, dinala pa umano ni Tatay Meling ang kanyang buong pamilya sa tanggapan ni Governor Catamco upang sila mismo ang magiging kumpirmasyon ng kanyang intensyon na ibigay ang nasabing propiyedad.Ayon kay Governor Catamco, dahil sa ginintuang puso ng mag-asawa at kanilang pamilya, ay magkakaroon na ng katuparan ang matagal nang inaasam-asam ng mga lider at residente ng bayan na ospital rito.
Aniya “masarap sa pakiramdam na may mga taong hindi pera ang mahalaga sa kanila kundi masayang makatulong sa kapwa na katulad nina Tatay Meling at Nanay Lourdes.”
“Hindi natin alam kung saan tayo dalhin ng bukas, ang mahalaga ay habang nabubuhay kapa, you do something that people can remember us eternally. And this is the legacy that you are going to leave behind up to the coming generations,” pagsaludo ng gobernador.
Gayundin naman ang pasasalamat ng ama ng Banisilan na si Mayor Jesus F. Alisasis sa mag-asawang Calvo at pamilya nito dahil ang nasabing ospital na itatayo ay magiging simbolo ng kaunlaran sa bayan ng Banisilan.Samantala, sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Tatay Meling na siya at ang kanyang buong pamilya ay taos-pusong binibigay ang nasabing lupain.
Tinukoy din nito ang ilang taon pagsisikap ng mga lokal na opisyal ng bayan sa mga nakaraang taon para sa pagsulong ng minimithi nilang ospital ngunit hindi ito naisakatuparan.
“Karon, walay kabutangan ang among pasalamat nga mahimo na gyud ang ospital diri. Mao gyud ni ang among gikinahanglan diri sa Banisilan, ang dugay na namo nga pangandoy,” saad ni Tatay Meling.Nitong Biyernes Pebrero, ginanap ang Signing of Deed Donation and Simultaneous Acceptance sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato at sa mag-asawang Calvo.
Sinaksihan ito nga mga lokal na opisyales ng bayan at nasabing barangay, heads of office ng lalawigan, Committee on Health Chair BM Philbert Malaluan at municipal mayors Herlo P. Guzman ng Kabacan at Mayor Reuel Limbungan ng Tulunan. //pgo-idcd//