Cotabato Province, namayagpag sa 2024 Young Farmers Challenge 

Isang mainit na pagbati ang ipinaabot ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa mga kabataang agripreneurs ng lalawigan matapos ang “agricultural excellence” nito nang mamayagpag sa katatapos na 2024 Young Farmers Challenge (YFC). 

Sa 27 Provincial Start-up Winners sa ginanap na 2024 YFC Provincial and Regional Awarding Ceremonies nitong ika-3 ng Hunyo sa Viajera Hotel, Koronadal City, sampu (10) ang nagmula sa lalawigan ng Cotabato.  Ito ay isang patunay na marami na sa kabataang Cotabateño ang nahikayat na mamuhunan sa agrikultura dahil sa malaking potensyal nito na makakatulong sa pag-angat ng buhay ng mga magsasaka at ng komunidad, sa kabuoan. 

Ang YFC ay isang programa ng Department of Agriculture na naglalayong hikayatin ang mga kabataan na maging agricultural entrepreneurs sa pamamagitan ng pagbibigay ng competitive financial grant.  Kabilang sa mga naging pamantayan ng DA sa pagpili ng mga nanalo ay ang sumusunod: Entrepreneurial Attributes, Innovativeness of Business Proposal, Potential for Generating Revenue Stream, Value Addition, at Social Responsibility.

Naging kinatawan naman ni Gov. Mendoza sa nabanggit na awarding ceremony si Acting Provincial Agriculturist Elena Ragonton.//idcd-pgo-sotto/photobyOPAg//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *