PPP Code of the Philippines at RDC Resolution No. 232, iprinisenta sa PDC

Amas, Kidapawan City- Iprinisenta ngayong umaga, Mayo 22, 2025 ni Economic Development Specialist Charmaine Lou Mapa-Vilches ng Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) XII ang Republic Act No. 1196 o Public-Private Partnership (PPP) Code of the Philippines kasabay ng idinaos na Provincial Development Council Meeting sa Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City.

Dito, ipinaliwanag ni Vilches na hangarin ng naturang batas na mapabilis at magiging sistematiko ang proseso ng PPP projects sa bansa, makapaglatag ng malinaw na basehan para sa mga kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor, at maipatupad ng maayos ang mga proyektong imprastrakturang bahagi ng 8-point agenda ng pamahalaang nasyonal. Hinikayat din nito ang mga pamahalaang lokal sa pagbuo ng sariling PPP Unit at PPP Bids and Awards Committee, bilang pagtalima sa nasabing batas.

Kaugnay nito, hiniling ni Gov. Mendoza ang nabanggit na ahensya na tulungan ang mga LGUs para sa agarang pag-asikaso ng mga kinakailangang domumento.

Sa kabilang banda, ipinaalam din ni Provincial Planning and Development Coordinator Jonah Balanag sa PDC ang tungkol sa RDC Resolution No. 232 kung saan hinihikayat ang lahat ng lokal na pamahalaan sa buong rehiyon sa paglikha ng Local Population Development Officer position sa mga munisipyo upang matugunan ang mga problemang kinakaharap ngayon sa lipunan lalo na sa usapin ng responsableng pagpapamilya, teenage pregnancy, maging ang pagtaguyod sa kapakanan ng bawat pamilya.//idcd-pgo-sotto/photobyWMSamillano//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *