
Amas, Kidapawan City – Nagpahayag ng buong suporta si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa inisyatibong Mobile Security and Anti-Criminality Response Squad Concept (MSARS) ng 602nd Brigade na pormal na iprinisenta ngayong Huwebes, Mayo 22, 2025 sa ginanap 2nd Quarter Provincial Peace and Order Council (PPOC) Meeting sa Provincial Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City.
Ayon kay Gov. Mendoza, handa itong makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan lalo na para sa mga kinakailangang logistics ng militar upang maayos na maipatupad ang naturang programa.
Ang nabanggit na squad concept ay naglalayong palakasin pa ang seguridad at mapanatili ang katiwasayan sa areas of responsibility (AOR) ng 602nd Brigade sa lalawigan kabilang na ang mga bayan ng M’lang, Kabacan, Matalam, Carmen, Banisilan, Libungan, Pikit, at Pigcawayan.
Samantala, personal namang ipinaabot ng gobernadora ang kanyang pasasalamat sa law enforcers sa matagumpay at mapayapang pagtaguyod ng halalan 2025.
Dumalo rin sa nabanggit na pagpupulong si DILG XII Regional Director Atty. Rochelle D. Mahinay-Sero, DILG Provincial Director Inecita Kionisala, CPPO Provincial Director PCOL Gilberto Tuzon, 602nd Brigade Commander BGen Ricky Bunayog, 1002nd Brigade Acting Commander Col Apollo Jun Lamaton, Provincial Fire Marshal FSUPT Reginal Legaste, NCDJ Provincial Jail Warden CINSP Teddy Guchi, mga alkalde ng iba’t ibang bayan, at iba pang miyembro ng konseho. //idcd-pgo-sotto/photobyWMSamillano