Gov. Mendoza, nagpahayag ng suporta sa isinagawang MinDA stakeholders’ consultation

Amas, Kidapawan City| Nobyembre 25, 2024 – Nagpahayag ng kanyang suporta sa pagbubukas ng Mindanao Investment Promotion and Facilitation Program (MIPFP) and Transformational Enterprise Support for the Agribusiness value-chains of Mindanao (TEAM) Stakeholders’ Consultation BARMM, Cotabato Leg na ginaganap ngayong araw sa AJ-Hi Time Hotel, Kidapawan City si Regional Development Council XII Chair at Cotabato Governor LALA TALIÑO-MENDOZA.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ng gobernadora ang MinDA sa pag organisa ng isang aktibidad na makakatulong para mas lalo pang maiangat ang investment opportunity para sa Mindanao. “𝒀𝒐𝒖𝒓 𝒑𝒓𝒆𝒔𝒆𝒏𝒄𝒆 𝒕𝒐𝒅𝒂𝒚 𝒓𝒆𝒇𝒍𝒆𝒄𝒕𝒔 𝒂 𝒔𝒉𝒂𝒓𝒆𝒅 𝒄𝒐𝒎𝒎𝒊𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒕𝒐 𝒂𝒅𝒗𝒂𝒏𝒄𝒊𝒏𝒈 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒂𝒏𝒂𝒐’𝒔 𝒑𝒐𝒕𝒆𝒏𝒕𝒊𝒂𝒍 𝒂𝒔 𝒂 𝒉𝒖𝒃 𝒇𝒐𝒓 𝒔𝒖𝒔𝒕𝒂𝒊𝒏𝒂𝒃𝒍𝒆 𝒈𝒓𝒐𝒘𝒕𝒉 𝒂𝒏𝒅 𝒊𝒏𝒗𝒆𝒔𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕𝒔,” wika nito sa kanyang pambungad na mensahe.

“𝑻𝒉𝒊𝒔 𝒇𝒐𝒓𝒖𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝒄𝒉𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒇𝒐𝒓 𝒖𝒔 𝒕𝒐 𝒄𝒐𝒎𝒆 𝒕𝒐𝒈𝒆𝒕𝒉𝒆𝒓, 𝒅𝒊𝒔𝒄𝒖𝒔𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒉𝒂𝒍𝒍𝒆𝒏𝒈𝒆𝒔 𝒇𝒂𝒄𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒖𝒓 𝒊𝒏𝒅𝒖𝒔𝒕𝒓𝒊𝒆𝒔, 𝒆𝒙𝒑𝒍𝒐𝒓𝒆 𝒔𝒐𝒍𝒖𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒄𝒂𝒏 𝒄𝒓𝒆𝒂𝒕𝒆 𝒋𝒐𝒃𝒔, 𝒊𝒎𝒑𝒓𝒐𝒗𝒆 𝒍𝒊𝒗𝒆𝒍𝒊𝒉𝒐𝒐𝒅𝒔, 𝒂𝒏𝒅 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 𝒊𝒏𝒗𝒆𝒔𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕,” dagdag pa nito.

Ang MIPFP at TEAM stakeholders’ consultation ay pinangunahan ng Mindanao Development Authority o MinDA na naglalayong tipunin ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan, representante mula sa local chambers of commerce and industry associations, leaders mula sa mga agricultural cooperatives, at farmers’ organizations upang pag-usapan ang mahahalagang isyu na kinakaharap ng naturang mga sektor lalo na sa usapin ng pamumuhunan o investmest para makapaglatag ng komprehensibong programa at proyekto na makakatulong sa paglikha ng trabaho at pag-angat ng ekonomiya.

Bahagi rin ng naturang aktibidad ang pagtatampok sa mga company executives na naghahanap ng investment partners for project expansion on coconut, durian, and corn production na magbibigay ng napakalaking oportunidad para sa maisulong ang lokal na mga produkto sa probinsya.

Sa kanyang pagtatapos pinasalamatan din ni Gov. Mendoza si MinDA Chair Leo Tereso Magno sa aktibo nitong paglalatag ng mga programa para sa Mindanaoan.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *