Pamahalaang panlalawigan ng Cotabato, kinilala ang kontribusyon ng organikong magsasaka sa ginanap na 2nd Provincial Agriculture Congress

Amas, Kidapawan City| Nobyembre 21, 2024 – Isang pagkilala ang inihandog ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato para sa mga organic farmers na malaki ang naging kontribusyon hindi lamang sa pagbibigay ng ligtas na pagkain kundi sa pagpapanatili ng balanse ng ekosistema.
Sa ginanap na 2nd Provincial Organic Agriculture Congress ngayong araw bilang bahagi ng selebrasyon ng 10th Organic Agriculture Month na ginanap sa Provincial Capitol Gymnasium, Amas, Kidapawan City kinilala ng probinsya ang mga namukod- tanging magsasaka na nagsikap para maisulong ang organic farming na itinuturing na pinakamabisang alternatibo para maiwasan ang iba’t ibang sakit, pagkasira ng kalikasan, polusyon, at iba pa.

Kabilang sa mga ginawaran ng plake at cash prizes ay ang sumusunod: Outstanding Municipal Organic Agriculture LGU, Outstanding Municipal Organic Focal Person, Outstanding Farmer (Production of Organic Inputs Category), Outstanding Farmer (Crop Production Category), Outstanding Young Farmer, Outstanding Farmers’ Group, at Outstanding Organic Farming Family.

Naging highlight din sa nabanggit na congress ang distribusyon ng P2,013,969.75 na halaga ng organic farm inputs kung saan nabiyayaan nito ang ilang indibidwal at asosasyon mula sa iba’t ibang bayan sa probinsya.

Sa kanyang naging mensahe bilang representante ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA, inihayag ni Committee Chair on Agriculture and Food Boardmember Jonathan Tabara na ang naturang okasyon ay isa sa mga paraan upang maipaabot ng mga magsasaka ang kanilang mga hinaing at suhestyon upang matugunan ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Makahulugan din ang ibinahaging mensahe ni Retired Judge at kasalukuyang Provincial Advisory Council Member Lily Lydia Laquindanum matapos bigyang diin nito ang napakahalagang papel na ginagampanan ng organic farmers sa kinakaharap na global crisis hinggil sa climate change. “Our organic farmers are climate heroes who promote a healthy environment,” saad pa ni Laquindanum.

Naging panauhin at resource speaker din sa ginanap na plenary si Regional Organic Agriculture Focal Person Maria Corazon Sorilla, Assistant Professor IV/Department Chairperson of USM Helen Macailing,Ph.D, Gawad Saka Agricultural Scientist Cayetano Pomares, All Natural Crop Booster Head Technician Mark Anthony Flores, at ATI XII Organic Focal Person Johnny Pasaquian, at Regional Organic Agriculture Industry Chairperson Mario Alolosan./idcd-pgo-sotto/PhotobyCSMombay//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *