Amas, Kidapawan City| Nobyembre 18, 2024- Pinangunahan ngayong umaga ni Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA ang turnover ng 9,782 armchairs na pinondohan ng abot sa P10M sa ilalim ng Supplemental Budget No. 1 ng Special Education Fund ngayong taon.
Sa ginanap na ceremonial turnover sa PNP Headquarters Covered Court, Amas, Kidapawan City, inihayag ni Department of Education Cotabato Schools Division Superintendent Romelito Flores ang kanyang pasasalamat sa mga upuang ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan na mapapakinabangan na ngayon ng abot sa 71 mga pampublikong paaralan sa elementarya at highschool.
“I am very thankful for the partnership between the DepEd and provincial government kay daghan na gyud kita og mga programa nga napatuman sa mga eskwelahan. Mapasalamaton ko kay si Gov. Lala responsive gyud sa atoang panginahanglanon.”
Maliban sa mga upuan, nakatanggap din ang DepEd Cotabato Division ng isang pick-up na magagamit nito para sa paglilibot sa mga paaralan sa buong lalawigan.
Muli namang ipinaalala ni Gov. Mendoza sa mga guro at personahe ng kagawaran sa isinagawang simpleng programa ang mga katagang, “We are partners” kaya naman hinikayat niya ang mga ito na isangguni sa tanggapan ni Superintendent Flores o di kaya ay sa kanyang opisina ang mga kinakailangang suporta ng kanilang mga paaralan para ito ay matugunan.
Binigyang diin din niya na tinitingnan din ng kapitolyo ang kapakanan ng bawat guro na siyang katuwang nito sa paghubog ng isang magandang bukas sa bawat kabataang Cotabateño.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//