“Tanang budget should be measurable,” paalala ni Gov. Mendoza sa idinaos na konsultasyon ng DA sa probinsya

Naging puno ng pagpapaalala ang mensaheng ibinahagi ni Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA sa mga kawani ng pamahalaan na nagmula sa Department of Agriculture (DA), Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), City/Municipal Agriculturists at iba pang kalahok sa inorganisang “DA consultation meeting for FY 2026 plans” ngayong araw sa IPHO Conference Hall, Provincial Compound, Amas, Kidapawan City.

Sa gitna ng pagbabahagi nito ng iba’t ibang tulong na natatanggap ng probinsya mula sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng libreng hospitalisasyon mula sa Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP), maging sa agarang paghatid ng “family food packs” sa panahon ng kalamidad at marami pang iba na nagresulta sa pagkakaroon ng “savings” ng kapitolyo, binigyang diin ng gobernadora na, “do not take advantage sa resources sa gobyerno,” Sa halip pasalamatan at pagkaingatan ang mga ito.

Sa kabilang banda, ipinaliwanag rin nito na, “tanang budget should be measurable” upang matiyak na magkakaroon ng malinaw na direksyon ang lahat ng gastusin ng pamahalaan. Ayon pa kay Gov. Mendoza, “kung nagtanum ka ug palay atuang iplastar ug maayo and no table survey.”

Samantala, ibinahagi rin ng ina ng lalawigan bilang Regional Development Council (RDC) Chairperson ang pagsisikap ng konseho nito upang mapaunlad ang buong rehiyon dose, kung saan kabilang dito ang pagpapaunlad ng mga daungan o pantalan na magbibigay daan sa mabilis na transportasyon ng mga dekalidad na produkto mula sa rehiyon tulad ng pinya, kape, mais at iba pa.

Nasa naturang aktibidad din si Agricultural Projects Coordinating Officer (APCO)-Cotabato Rey Domingo bilang kinatawan ni DA-Field Office 12 Regional Executive Director Roberto T. Perales at iba pang stakeholders.//idcd-pgo-frigillana/photoby:OPAg

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *