PDRRMO Cotabato, nakuha ang “beyond compliant” rating sa Gawad KALASAG Seal and Special Awards for Excellence

Amas, Kidapawan City| Nobyembre 14, 2024- Ibinalita ngayong araw ni Provincial Disaster Risk Reduction and Manangement Officer (PDRRM) Arnulfo Villaruz sa ginanap na PDRRMC Executive Committee Meeting na pinangunahan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA na muling nakuha ng kanyang opisina ngayong taon ang “beyond compliant rating” sa Gawad KALASAG Seal and Special Awards for Excellence ng NDRRMC.

Kabilang sa mga munisipyong nakakuha ng nabanggit na rating ay ang mga bayan ng Arakan, Alamada, Midsayap, Magpet at Carmen na nangangahulugang lumagpas ito sa itinakdang standards as prescribed sa Section 11&12 ng Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Kabilang sa mga naging assessment areas ng ahensya ayon kay Villaruz ay ang sumusunod: structure, competency, management systems, enabling policies, knowledge management and advocacy, at partnership and participation.

Nagpasalamat din ito sa konseho at kay Gov. Mendoza sa suporta at tulong nito ipang maayos na magampanan ng PDRRMO ang kanilang tungkulin lalo na sa panahon ng kalamidad at pangangailangan. Binati naman ng gobernadora ang opisina at iba pang LGUs at tiniyak na patuloy na magiging aktibo ang lalawigan lalo na sa usaping disaster preparedness and response.

Samantala, nakuha naman ng Matalam, President Roxas, Pigcwayan, Makilala, M’lang, Antipas, Kabacan, Kidapawan City, Tulunan, Banisilan, Aleosan at Libungan ang “fully compliant rating.”// idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//