Inagurasyon ng P50M multi-purpose building facility sa bayan ng Carmen, sinaksihan ni Sen. Lito Lapid 

Amas, Kidapawan City| Nobyembre 11, 2024- Kasabay ng kanilang ika-68 na taong anibersaryo, isang oportunidad ang nagbukas para sa bayan ng Carmen, Cotabato, matapos ang pormal na inagurasyon ng bago nitong tayong P50M worth of multi-purpose building facility sa public market ng bayan na pinondohan ng opisina ni Senator Manuel “Lito” M. Lapid sa pagsisikap ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos. 

Kasama sina Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA, Carmen Municipal Mayor Rogelio Taliño, Congresswoman Santos, 3rd district board members, Carmen 1st Lady Noemi Taliño at iba pang opisyales pinangunahan ni Senator Lapid ang cutting of ribbon ng nabanggit na proyekto na binubuo ng 76.4×20 meters main building with sidewalk, powerhouse, electrical, cladding, at comfort rooms for male, female and PWDs 

Pasasalamat naman ang ipinaabot ng senador kay Mayor Taliño sa mainit na pagsalubong at pagtanggap nito sa kanya sa bayan ng Carmen bilang panauhing pandangal.

Samantala, nagpasalamat din si Gov. Mendoza sa pondong inilaan para mabigyan ng katuparan ang nasabing proyekto na magagamit na ngayon ng market vendors. 

Masaya naman ang alkalde ng bayan sa proyektong ipinagkaloob na malaki ang maitutulong para sa mas maayos na operasyon ng kanilang merkado publiko. 

Tema ng selebrasyon: “Pinalakas ng Kasaysayan ang Nagkakaisang Mamamayan, Itinatag ang matibay na Pundasyon ng Tagumpay.”//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//