USM, kabilang sa mga nangungunang  unibersidad sa Timog-Silangang Asya batay sa QS University Rankings

Amas, Kidapawan City| Nobyembre 8, 2024- Isang karangalan para sa lalawigan ng Cotabato ang tagumpay na nakamit ngayon ng  University of  Southern Mindanao (USM) matapos itong mapabilang sa nangungunang unibersidad sa buong Pilipinas at Timog-Silangang Asya.

Batay sa Quacquarelli Symonds (QS) Ranking Asia University rankings for 2025, nasa ranked 169th ang USM kung saan isa ito sa 25 na mga institusyong pang-edukasyon mula sa Pilipinas na nakapasok sa talaan. Sa pangkalahatang ranking ng mga unibersidad sa Asya, ang USM ay napabilang sa 901+ bracket.

Isa namang pagbati ang ipinaabot ni Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA sa pamunuan ng unibersidad sa pangunguna ni President Francisco Gil Garcia sa pagsisikap nito na maibigay ang dekalidad na edukasyon na malaki ang kontribusyon sa pag-unlad ng lalawigan at pagsusulong ng  isang quality and accessible education para sa kabataang Cotabateños. Ito din aniya ay patunay na ang mga guro nito ay magagaling at globally competitive. 

Kabilang sa mga naging basehan o kriterya sa pagpili ng mga institusyong papasok sa QS Asia University Rankings ay ang sumusunod:  Academic reputation 30%, Employer reputation 20%, Faculty/student ratio 10%, International research network 10%, Citations per paper 10%, Papers per faculty 5%, Staff with a PhD 5%, Proportion of international faculty 2.5% and Proportion of international students 2.5%.//idcd-pgo-sotto/withreportsfromUSM//