CYLC University muling nagbukas ngayong taon, 100 kabataang Cotabateño handa nang magsanay

Amas, Kidapawan City || Isa sa mga sinisikap ng administrasyon ni Gov LALA TALIÑO-MENDOZA ay ang maipatupad ang mga programang nakatuon sa kaunlaran at kapakanan ng bawat kabataan upang maging pag-asa ng lalawigan. Ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 4, 2024, muling nagbukas ang Cotabato Young leaders Congress (CYLC) University para sa ika-siyam na taon nito na ginanap sa Carmen Eco-Tourism Park and Spring Resort, Brgy. Liliongan, Carmen, Cotabato.

Nasa 100 na mga estudyante at young professionals mula sa iba’t-ibang panig ng probinsya ang lumahok sa nabanggit na programa kung saan pangunahing hangarin nito ay mahubog ang kakayahan at potensiyal ng mga youth leaders sa probinsya bilang mga susunod na nga pinuno sa kani-kanilang komunidad.

Bumisita at nagbigay inspirasyon din sa pagbubukas na programa sina Boardmember Ivy Martia Lei Dalumpines-Ballitoc, Kidapawan City Councilor Rosheil Gantuangco, Makilala Vice Mayor Atty. Ryan Tabanay, Sangguniang Kabataan Provincial Federation President Karen Michie de Guzman, Carmen Councilor Pedro C. Cabatania, at Matalam Vice Mayor Ralph Ryan “Raprap” Rafael.

Naroon din ang ilang mga CYLC Alumni at Siway volunteers na siyang mangangasiwa sa iba’t-ibang mga aktibidades na susubok sa kakayahan at katatagan ng mga young leaders sa loob ng tatlong araw na pamamalagi sa CYLC University.//PGO-Sopresencia Photoby:CYLC

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *