Pangangalaga sa mga nakatatanda pinag-iibayo, suliranin sa “mental health” tinutukan ng IPHO

Amas, Kidapawan City I November 4, 2024- Upang mabigyang katuparan ang mithiin ni Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA na mapahalagahan ang kapakanan ng mga nakatatanda at matugunan ang kanilang mga pangangailangan kabilang na ang magandang kalusugan at kanilang “mental health condition,” inorganisa ng Integrated Provincial Health Office o IPHO ang “Empowering the Golden Years: Training on Enhancing Elderly’s Mental Health and Well Being.”

Pakay ng naturang aktibidad na pinangasiwaan nina IPHO Head Dr. Eva C. Rabaya at Program Coordinator Karen Jae G. Cabrillos at nilahukan ng mga Municipal/City Non-Communicable Disease (NCD) Coordinators na mapaunlad pa ang kakayahan ng mga “healthcare workers” sa pagtukoy, pagpigil at pagbibigay solusyon sa iba’t ibang suliraning pangkaisipan o “mental health challenges” ng mga nakatatanda.

Nakasentro naman ang nasabing pagsasanay sa mga paksa na nagsusulong ng “holistic care” para sa kanila, kung saan nakapaloob dito ang psychological, emotional, and physical needs. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: “Raise awareness of common mental health issues among the elderly, educate participants on risk factors and warning signs of mental health disorders in older adults, promote holistic care that addresses both physical and mental health needs at Provides strategies for early intervention and prevention of mental health problems.”

Ang nabanggit na pagsasanay ay idinaos kamakailan lang sa Sitio Maupot, Magpet, Cotabato.//idcd-pgo-frigillana/photoby:ipho

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *