Updates tungkol sa implementasyon ng MIADP projects sa lalawigan, tinalakay sa pagpupulong

Amas, Kidapawan City | Oktubre 23, 2024 – Tinalakay ngayong umaga ng mga representante mula sa Department of Agriculture (DA) Mindanao Inclusive Agriculture Development Project ang mga proyektong ipinapatupad nito sa lalawigan ng Cotabato partikular na sa bayan ng Magpet, Cotabato. 

Ayon kay MIADP Planning and Social Preparation Officer Alfredo Hasigan, Jr.  nasa social preparation stage na ang tatlong mga proyekto na ilalagay sa barangay ng Manobisa, Imamaling, at  Amabel na pawang IP communities sa bayan. 

Kabilang sa matatanggap ng mga nabanggit ay farm-to-market road at livelihood projects kung saan pinagsisikapan ng nasabing ahensya, provincial government, at lokal na pamahalaan na agarang makumpleto ang mga rekisitos ukol dito. Naipresenta din sa nabanggit na pagpupulong ang ilan sa mga amendment ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng LGU Magpet, pamahalaang panlalawigan, at DA-MIADP.

Nagpasalamat din ang mga ito sa suporta ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA sa programang isinusulong ng probinsya para sa kaunlaran ng mga katutubong komunidad sa lalawigan. 

Ang nabanggit na pagpupulong ay ginanap sa Provincial Governor’s Office Amas, Kidapawan City na dinaluhan ni Provincial Administrator Aurora P. Garcia, kasama ang mga kawani mula sa LGU Magpet at OPAg.//idcd-pgo-sotto/Photobyrsotto&hgcatalan//