Amas, Kidapawan City |Oktubre 17, 2024- Upang mas matutukan at maitaas pa ang kamalayan ng mga health professionals hinggil sa pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan ng bawat Cotabateño, isinagawa ngayong araw ng pamunuan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA sa pangunguna ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ang Mental Health Summit 2024 na may temang: “The Invisible Wounds: Recognizing and Addressing Psychological Trauma”.
Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng mga Municipal Health Officers, Mental Health Nurse Coordinators mula sa 17 na mga bayan at 1 siyudad ng lalawigan, kasama ang mga Nurses/Midwives Assigned in Barangays, Chief of Hospitals, Chief of Clinics, and Chief Nurses ng Provincial and District Hospitals kung saan naging resource speaker sina Provincial Psychiatrist Dr. Esper Ann Juanir-Castañeda, MD, FPCam at Kristine Joy Garcia-Arellano, MSPsy, RPsy.
Ayon kay IPHO Head, Dr. Eva C. Rabaya, malaking tulong ang naturang summit upang mapahusay ang pagtugon at pangangalaga sa mga pasyente na dumaranas ng mga Mental Health issues and illnesses na siya namang sinisikap at binibigyang prayoridad ng pamunuan ni Governor Mendoza.
Bumisita at nagpaabot din ng pagsuporta sa aktibidad sina 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos, Boardmember Ivy Martia Lei Dalumpines-Ballitoc at Provincial Advisory Council (PAC) member Dr. Reuel N. Toledo.//PGO-Sopresencia// Photoby:WSamillano//