Amas, Kidapawan City| Oktubre 17, 2024- Sa hangaring tulungan ang mga nutrionally-at-risk (NAR) na nagdadalantao sa lalawigan at tugunan ang problema sa malnutrisyon sa mga bata lalo na sa edad 0-23 months, inilunsad ngayong araw ng National Nutrition Council (NNC) at pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pamamagitan ng Integrated Provincial Health Office ang Tutok Kainan Dietary Supplementation Program (TKDSP)sa bayan ng Makilala na ginanap sa Municipal Hall Lobby.
Kasama ang NNC tinungo ng IPHO ang bayan ng Makilala para ipamahagi ang compact foods sa 60 NAR pregnant women mula sa mga barangay ng Malasila, Kisante, San Vicente, Santa Felomina, Taluntalunan at Saguing ng nabanggit na bayan.
Naging makabuluhan din ang aktibidad matapos magbigay ng kanyang oryentasyon hinggil sa TKDSP si Carlie Grace D. Bagaforo, RND kung saan inilahad nito ang kahalagahan ng wastong pangangalaga sa pangangatawan lalo na sa panahon ng pagbubuntis dahil dito nagsisimula ang “development” ng isang bata.
Bilang kinatawan ni Makilala Municipal Mayor Armando Quibod, ipinaabot naman ni Vice Mayor Ryan Tabanay ang kanyang pasasalamat sa NNC at kay Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA sa pagbibigay nito ng prayoridad sa mga bata at kababaihan ng kanyang bayan.//idcd-pgo-sotto/photobyJRegaspe-IPHO//