Mga magsasaka mula sa bayan ng Pigcawayan at Libungan, tumanggap ng GM corn seeds mula sa kapitolyo

Amas, Kidapawan City || Labis ang pasasalamat ng 160 na mga magsasaka mula sa bayan ng Pigcawayan at Libungan matapos makatanggap ng tig-isang bag ng Genetically Modified (GM) Corn Seeds mula sa pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA ngayong araw, Oktubre 16, 2024.

Abot sa P720,000.00 ang halaga ng ipinamahaging binhi na pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at pinondohan sa ilalim ng Provincial Food Production Program ng kapitolyo. Bahagi din ito ng pagsisikap ni Governor Mendoza na matulungan at maiangat ang ani ng mga magsasaka sa probinsya at mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa buong lalawigan.

Nakiisa at nagbigay din ng suporta sa ginawang distribusyon sina Boardmembers Sittie Eljorie Antao-Balisi, Atty. Roland Jungco at Edwin Cruzado. Naroon din si Libungan Vice Mayor Jims Fullecido.//PGO-Sopresencia Photoby:OPAgandBMAntao

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *