Cotabato Agro-Industrial Park Lease Ordinance, tinalakay sa public hearing

Amas, Kidapawan City| Oktubre 16, 2024-Masinsinang tinalakay ngayong araw sa isinagawang public hearing ang Cotabato Agro-Industrial Park (CAIP) Lease Ordinance na ginanap sa CAIP Site, Brgy. Pag-asa, M’lang, Cotabato.

Ang naturang public hearing na dinaluhan ng mga accredited Civil Society Organizations, Non-government Organizations, Local Economic Development and Investment Promotion Officers, department heads ng kapitolyo at iba pang stakeholders ay naglalayong iprisenta sa publiko ang nilalaman ng Proposed Provincial Ordinance No. 2024-17-013 “An Ordinance Prescribing the Guidelines on the Lease Terms and Conditions of the Cotabato Agro-Industrial Park (CAIP).

Pangunahing may akda nito si Sangguniang Panlalawigan Committee on Laws, Rules and Privileges Chairperson Boardmember Joemar Cerebo kung saan komprehensibo nitong ibinigay ang hangarin ng naturang ordinansa kasama sina Boardmembers Jonathan Tabara, Ivy Dalumpines-Ballitoc at Liga ng mga Barangay President Phipps Bilbao.

Samantalang isa-isa namang tinalakay ni Provincial Legal Counsel Atty. Jessica R. Pader ang nilalaman ng proposed CAIP Lease Ordinance upang magkaroon ng komprehensibong impormasyon ang mga stakeholders at makapagbigay ng kanilang mga suhestyon at rekomendasyon bago pa man ito tuluyang maipapatupad.

Masaya naman si Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA sa panibagong development na ito sa CAIP na isa sa mga proyektong kanyang tinututukan dahil na rin sa malaking oportunidad na maibibigay nito sa mga lokal na magsasaka, producer at negosyante sa lalawigan.//idcd-pgo-sotto/photoby BMCereboStaff//