Amas, Kidapawan City- Bilang kinatawan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA, mismong si Acting Provincial Administrator at Provincial Legal Officer Atty. John Haye Deluvio ang nanguna sa pamamahagi ng tulong pinansyal ng kapitolyo sa mga pamilya ng nasugatan at nasawi sa iba’t-ibang insidente sa lalawigan.
Ito ay ginanap sa Provincial Administrator’s Office, Amas, Kidapawan City ngayong araw, Oktubre 14, 2024 kung saan kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ay ang pamilya ng mga biktima ng pamamaril sa bayan ng Pikit na kinilalang sina Samer Mamasalagat (10,000) at Mohammad Acosta (20,000).
Samantala, nakatanggap din ng ayuda ang pamilya nina Arman Lozano (20,000) mula sa bayan ng Makilala at Rechie Cagay (20,000) mula sa bayan ng Midsayap na pawang nasawi sa “vehicular accident”.
Pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga pamilyang tumanggap ng naturang “financial assistance” sa butihing gobernadora na anila’y malaking bagay para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at pangangailangan.//pgo-sopresencia//