PCIDC nagpulong ukol sa kalagayan ng industriya ng niyog sa probinsya

Amas, Kidapawan City | Oktubre 14, 2024 – Bilang bahagi ng pagpapalakas ng industriya ng niyog sa probinsya, isinagawa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ang Provincial Coconut Industry Development Council (PCIDC) Meeting sa COTGEM Building, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City.

Ang aktibidad ay bahagi ng adbokasiya ng pamunuan  ni Governor LALA TALIÑO-MENDOZA, na masuportahan ang sektor ng agrikultura, partikular na ang industriya ng niyog, upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng mga magsasaka at ng kanilang kabuhayan.

Tinalakay sa pagpupulong  ang mga mahahalagang usapin tulad ng updates sa mga programa ng Philippine Coconut Authority (PCA) para sa 2024, kasalukuyang implementasyon ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP), at ang pagbuo ng bagong Provincial Coconut Development Council (PCIDC) ng Cotabato.

Bilang kinatawan ni Gov. Mendoza, hinikayat naman ni former DA Regional Director at  Provincial Advisory Council (PAC) Member Amalia Datukan ang kasalukuyang PCIDC na mas pagtuunan ng pansin na  matugunan ang mga pangangailangan ng nasabing industriya katuwang ang iba pang mga stakeholder at mga lider ng SCFO, upang matulungan ang mga maliliit na magniniyog sa probinsiya.

Nasa pagpupulong si Program Coordinator Kenne T. Cabrillos, mga opisyales ng Small Coconut Farmers Organization (SCFO) Federation mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan, stakeholders, kinatawan mula sa PCA Cotabato, at mga kawani ng OPAg.// idcd-pgo-delacruz// Photoby: OPAg//