Amas, Kidapawan City | Oktubre 13, 2024 – Isa sa isinusulong ng pamunuan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA ang mapalakas ang sektor ng agrikultura sa lalawigan kaya nagpapatuloy ang mga ginagawang hakbang at interbensyon ng pamahalaang panlalawigan upang maisakatuparan ang hangaring ito.
Kabilang na dito ang isinagawang Simple Agro-Livestock Technology (SALT 2), kung saan sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay ang mga miyembro ng Cadiis Upland Development Farmer’s Association (CUDFA) kasama ang mga opisyales ng nabanggit na barangay at ilang kawani ng Office of the Municipal Agriculturist (OMAg) ng bayan ng Carmen.
Tinalakay dito ang SALT 2 Housing Management of Goat Production, Care Management of Goat, at Vermi-culture Production na naglalayong lumikha ng mas sustainable, mas produktibo, at mas matatag na sistema ng pagsasaka na magiging kapakipakinabang sa mga magsasaka, komunidad, at kalikasan.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ni Provincial Advisory Council (PAC) Member Albert Rivera bilang kinatawan ng gobernadora. Pinangasiwaan naman ito ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg)-Interim PENRO-Cotabato na pinamamahalaan ni Acting Interim Elvira Q. Mendoza.//idcd-pgo-bellosillo/Photoby:OPAg//