12 SLP associations sa bayan ng Pres. Roxas, nakatanggap ng bigasan supply projects 

Amas, Kidapawan City | Oktubre 11, 2024 – Maituturing na malaking tulong ng mga miyembro ng mga asosasyon sa bayan ng President Roxas ang ipinagkaloob na bigasan supply project ng pamahalaang nasyonal na nagmula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng tanggapan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian.

Magkakasunod-sunod na tinungo ng mga kawani ng tanggapan ni DSWD XII Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr. ang labindalawang asosasyon sa bayan na mapalad na nabigyan ng naturang proyekto kung saan ito ay nilaanan ng aabot sa P1.3M kabuoang halaga ng pondo.

Ito ay kinibibilangan ng Subida Alegria SLP Association (P94,550), Sagcungan (P94,550), Del Carmen (P94,550), Kamarahan Dos (P94,550), Sarayan (P94,550), Salat (P94,550), Tindog Kamarahan (P113,460), Bagong Lomonay (P113,460), F. Cajelo (P113,460), Greenhill (P113,460), Camasi (P132,370) at Kisupaan (P151,000).

Bilang kinatawan ni Gov. LALA TALIÑO MENDOZA, inaasahan naman ni Provincial IP Mandatory Respresentative/Ex-officio Boardmember Arsenio M. Ampalid na magiging daan ang nasabing kabuhayan upang mapaunlad ng mga benepisyaryo ang kanilang pamumuhay na isa din sa mga hangarin ni Gov. Mendoza.

Nasa naturang seremonya din sina PGO focal persons Edgar Visabella at Mat Fantonial, Municipal Focal Person Yvette Fordan, kawani ng lokal na pamahalaan ng bayan at mga opisyales ng nabanggit na mga barangay.//idcd-pgo-mombay/PhotobyDSWD-SLP//