World sight week at corrective eyeglasses distribution, isinagawa ng kapitolyo sa bayan ng Arakan

Amas, Kidapawan | Oktubre 11, 2024 – Sa patuloy na pagtaguyod ng kalusugan at pangangalaga sa mata, isinagawa ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gov. LALA TALIÑO MENDOZA ang World Sight Week at Corrective Eyeglasses Distribution sa Arakan Central Elementary School.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong magbigay kamalayan ukol sa pangangalaga ng mata at maiwasan ang pagkabulag o pagkasira nito.  Namigay rin ng libreng corrective glasses sa mga batang mag-aaral. 

Umabot sa 61 na mga kabataang estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Arakan ang lumahok sa aktibidad sa ilalim ng Prevention of Blindness Program ng Integrated Provincial Health Office (IPHO).

Ayon kay IPHO Medical Technologist II na si Rowena O. Villaoscarez, RMT mahalaga ang pagbibigay ng tamang impormasyon at interbensyon ukol sa eye care, lalo na sa mga kabataang estudyante na madalas na naaapektuhan ng mga problema sa paningin. Binigyang diin din ang importansya ng regular na pagsusuri sa mata upang mapigilan ang mga seryosong kondisyon na maaaring magresulta sa pagkabulag.

Nasa naturang distribusyon din sina Arakan Vice Mayor Mary Girlie Tuble- Montales, municipal councilors, mga kinatawan mula sa Municipal Health Office (MHO), Rural Health Unit (RHU), Department of Education (DepEd) teachers, nurses, at optometrist na si Dr. Emelyn Ma.// idcd-pgo-delacruz// Photoby: IPHO//