Focal Persons ng kapitolyo para sa Drug-Free Workplace, sumailalim sa Training of Trainers on Drug Education

Amas, Kidapawan City | Oktubre 10, 2024 – Sa layuning paigtingin ang implementasyon ng “Drug-free Workplace Policy” sa ilalim ng pamunuan ni Gov. LALA TALIÑO MENDOZA, isinagawa ang Training of Trainers on Drug Education para sa DFWP focal persons ng kapitolyo nitong Oktubre 8-9, 2024 sa Boylyn’s Pensione Plaza, Kidapawan City.

Layunin nito na bigyan ng kaalaman at sanayin ang mga napiling focal persons upang epektibong maisakatuparan ang kanilang mga tungkulin bilang tagapagtaguyod ng mga hakbang para sa pagpapanatili sa kapitolyo ng kapaligirang ligtas mula sa droga o drug-free.

Katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), tinalakay sa training ang panganib na dulot ng paggamit ng ilegal na droga, kabilang ang mahahalagang probisyon ng RA 9165 o Comprehensive Drugs Act.

Nakiisa naman si Sangguniang Kabataan Provincial Federation President Karen Michie De Guzman sa aktibidad bilang representante ni Gov. TALIÑO-MENDOZA, at upang ipakita ang suporta nito sa pagkamit ng drug-free workplace, isang mahalagang adbokasiya na isinusulong ng pamahalaang nasyonal sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ang dalawang araw na training ay pinangasiwaan ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) sa pamumuno ni Acting PGDH-PHRMO Reinalyn Nicolas.//idcd-pgo j. abellana//photo credits to PHRMO//.