PDC, inaprubahan ang pag-endorso ng iba’t ibang panukalang proyekto

Amas, Kidapawan City | Oktubre 9, 2024 – Matapos ang PDRRMC at  PPOC meeting, pinangunahan din ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang pagpupulong ng Provincial Development Council (PDC) ngayong araw kung saan iprinisenta ang mga resolusyong kailangang aprubahan, i-endorso at aksyunan ng konseho.

Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: 

*Proposed tourism visitor’s center at Kidapawan City Integrated Transport Station, Brgy. Poblacion, Kidapawan City

*PDC ExeCom resolutions

*Reversion of various programs/projects under GAD fund

*Reversion of various programs/projects under peace and order development program

*various development projects for inclusion in the CY 2024 Supplemental Investment Program No. 6

*amended 2025 AIP of the DRRM

*PPA’s to be funded under the 5% DRRM Fund of CY 2025 

*amended 2025 AIP of the peace and order program

*approval for the inclusion of various PPA’s to the amended CY 2025 AIP

*amendment of CY 2025 AIP

Inilahad naman ni Gov. Mendoza na dahil na din sa suporta ng mga opisyales sa mga programa at inisyatibong ipinapatupad ng kapitolyo, ay nakakatanggap ito ng pagkilala na isang patunay ng pagiging epektibo sa pagpapaabot ng serbisyo sa publiko.

Samantala, nasa naturang pagpupulong din sina Department of the Interior and Local Government Acting Provincial Director Inecita Kionisala, 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos, mga municipal mayors, iba pang stakeholders at myembro ng konseho na ginanap sa University of Southern Mindanao (USM) Commercial Building, Kabacan. //idcd-pgo-mimbay/gonzales/PhotobyWMSamillano//