Matagumpay na inisyatibong pangkapayaan at kampanya kontra droga sa probinsya, inilatag sa PPOC meeting

Amas, Kidapawan City | Oktubre 9, 2024 – Sa pagtitipon ng ilang military officials, police officers, local chief executives, at mga representante mula sa national line agencies, sa ginawang Provincial Peace and Order Council (PPOC) ngayong Miyerkules, Oktubre 9, 2024 inilahad dito ang iba’t ibang tagumpay na natamo ng lalawigan kasama ang mga stakeholders nito. 

Pinangunahan ni PPOC Chair Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang naturang meeting na ginanap sa USM Commercial Building, sa bayan ng Kabacan, kasama si Department of the Interior and Local Government (DILG) Acting Provincial Director Inecita Kionisala. 

Sa naturang meeting, nagpahayag ang kapulisan at kasundalahan sa mga pagsisikap mula sa kanilang hanay upang mapanatili ang kaayusan at katiwasayan ng mga komunidad sa lalawigan, sa pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan at mga lokal na pamahalaan.

NPA-Free Province

Katunayan, sa ulat ng kinatawan ni 1002nd Brigade Commanding Officer BGEN Patricio Ruben P. Amata, inirekomenda nito sa konseho “to adopt the resolution declaring the Province of Cotabato as NPA-Free Province” na matagumpay na inisyatibong pangkapayapaan ng probinsya kasama ang iba’t ibang partners peace and development partners nito.

Serbisyong Totoo Caravan

Sa tulong ng programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na pinagtibay ng Serbisyong Totoo Caravan (STC) at pinagsikapan namang paigtingin ng pamunuan ni Gov. Mendoza at partner agencies, abot na sa 161 target Retooled Community Support Program (RCSP) communities or ELCAC-cleared barangays, 103 barangays na ang tinungo at dinalhan ng iba’t ibang serbisyo ng STC.

TUPAD Para sa Former Rebels

Kaugnay naman ng nasabing usapin, binanggit din ni Gov. Mendoza ang panibagong programa nito para sa rebel returnees, katuwang ang Department of Labor and Employment, kung saan magiging benepisyaryo ang mga ito sa programang Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang matulungan ang mga dating rebelde na magkaroon ng pansamantalang pagkakakitaan sa kanilang pagbabagong buhay habang hinihintay ang iba pang tulong pangkabuhayan ng pamahalaan. 

Ayon sa gobernadora, sila ay bibigyan ng P400 arawang sahod sa loob ng 30 araw na cash-for-work program.

First Drug-Clear Municipality in Region XII

Sa kampanya naman kontra droga, ibinalita ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Provincial Officer Jerome Valentos na nasa probinsya ng Cotabato ang deklaradong “First Ever Drug-Clear Municipality” sa buong Region XII, ang bayan ng Antipas.  

Ayon din sa ulat, abot na sa 450 ang deklaradong “drug-clear barangays” rito mula sa 480 barangays sa lalawigan, dahil na rin sa seryosong kampanya kontra droga na ipinapatupad sa buong probinsya, kasama ang local government units (LGUs) dito. 

Aprubado rin ng konseho ang panukalang  P175M dagdag na pondo para sa Peace and Order Campaign Program for CY 2025 na kinabibilangan ng road concreting projects sa iba’t ibang lokalidad at ang  P2.82B Ammended 2025 Annual Investment Plan for Peace and Order Program sa lalawigan. 

Ang naturang meeting na isinagawa sa USM Commecial Building, sa bayan ng Kabacan ay dinaluhan din ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos.//idcd-pgo-gonzales/photoby:WSamillano/