Amas,Kidapawan City| Oktubre 9,2024-Muling pinatunayan ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang husay nito sa larangan ng fiscal management matapos itong kilalanin ng ng Department of Finance (DOF) Bureau of Local Government Finance ( BLGF) bilang top performing province sa buong Pilipinas sa larangan ng year-on-year growth in local sourced income for FY 2023.
Sa ginanap na National Awarding Ceremony for Top Performing Provinces, Cities and Municipalities ngayong araw na itinuon sa ika-37 anibersaryo ng BLGF sa Seda Manila Bay, Parañaque City, tinanggap ni Provincial Treasurer Gail Ontal at Former Vice Governor Shirlyn Macasarte-Villanueva bilang mga kinatawan ni Gov. Mendoza ang parangal, kung saan itinanghal ang probinsya bilang top 3 sa buong bansa dahil sa naitala nitong 74.34% na pagtaas sa local revenue para sa taong 2023.
Batay sa datos ng Provincial Treasurer’s Office (PTO), mayroong abot sa P408, 104,301.12 na tax revenue ang nakolekta ng probinsya noong taong 2022 at pumalo ito ng halos 75% percent nitong 2023 kung saan nakapagtala ito ng tax revenue na umabot sa P711,476, 342.92.
Ayon kay Provincial Treasurer Ontal, nakamit ng lalawigan ang naturang tagumpay dahil na rin sa determinasyon ni Gov. Mendoza lalo na sa masinsinang kampanya sa pangongolekta ng buwis, house- to- house campaign, personal na pakikipagdayalogo sa mga taxpayers, pagpapatupad ng tax amnesty programs, at pagsisikap ng mga empleyado sa kanyang opisina na makakolekta ng higit pa sa ibinigay sa kanila na qouta.
Isa namang pagsaludo ang ipinaabot ng ina ng lalawigan sa sa kawani ng PTO at sa buong empleyado ng kapitolyo sa suporta nito sa programang isinusulong ng kanyang administrasyon lalo na sa usapin ng pamamahala ng pananalapi.
Ang plaque of recognition ay personal na iginawad nina DOF Secretary Ralph Recto at BLGF Executive Director Consolacion Agcaoili. Ang aktibidad ay dinaluhan din ng iba pang awardees mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas.//idcd-pgo-sotto//