Higit 1,900 na hog raisers and caretakers bibigyan ng ayuda ng TUPAD

Amas, Kidapawan City I Oktubre 9, 2024 – Abot sa 1,172 hog raisers, at 821 caretakers na lubhang naapektuhan ng African Swine Flu (ASF) disease mula sa buong lalawigan ang nakatakdang tatanggap ng Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) bilang resulta ng matibay na ugnayan ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa pamahalaang nasyonal na pinamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., kaagapay ang tanggapan nina Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma at Regional Office XII Regional Director Joel M. Gonzales.

Ang nasabing tulong ay nagmula sa kabuoang 14,846,896.00 na halagang inilaan para sa hog raisers at P3,633,746.00 naman para sa caretakers. Ito ay naisakatuparan din sa tulong nina Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Partylist Representative Raymond Democrito C. Mendoza at 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos.

Ngayong Miyerkules, Oktubre 9, 2024 isinagawa ang oryentasyon para sa mga benepisyaryong nagmula sa Kidawapawan City na kinabibilangan ng 133 “hog raisers” na maglilingkod sa loob ng 30 araw na “cash-for-work” (CFW) program, at 163 na mga “caretakers” na maglilingkod sa loob ng sampung (10) araw.

Idinaos ito sa Balindog Covered Court, Barangay Hall na binisita rin nila city councilors Rosheil Gantuangco, Aying Pagal, at iba pa./idcd-pgo-gonzales/photoby:WSamillano/