Amas, Kidapawan City I Oktubre 9, 2024 – Naglaan ng panahon si Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza upang personal na makausap ang mga kabataang kabilang sa “Out of School Youth o OSY” sa idinaos na “pay-out activity” sa bayan ng Makilala.
Buong pagmamahal at kagalakan na ibinalita nito ang malasakit ng pamahalaan sa kanila, “𝐩𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚 𝐬𝐚 𝐠𝐨𝐛𝐲𝐞𝐫𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚𝐧-𝐨𝐧, 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐠𝐨𝐛𝐲𝐞𝐫𝐧𝐨 𝐧𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐞𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐦𝐨,” saad pa ng ina ng lalawigan.
Ngunit, sa kabila ng nasabing hangarin, marami ang tumigil sa pag-aaral dahil sa maagang nakapag-asawa at nagkaanak, habang ang iba naman ay kinakailangan nang magtrabaho upang makausad sa buhay.
Dahil sa mga kaganapang ito, inatasan ni Gov. Mendoza ang mga Sangguniang Kabataan officials na, “𝐝𝐢𝐥𝐢 𝐛𝐮𝐡𝐢𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚 𝐧𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐠-𝐮𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐠 𝐞𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨𝐝 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐢𝐬𝐮𝐝, 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐚𝐰𝐚, 𝐧𝐚𝐛𝐮𝐧𝐭𝐢𝐬 𝐨 𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐨𝐛𝐥𝐢𝐠𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐦𝐚𝐬𝐤𝐢𝐧 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐠𝐦𝐚𝐲 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠𝐚𝐚𝐧 𝐬𝐢𝐥𝐚 𝐮𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠.”
Dito, pinasalamatan ng butihing gobernadora si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa walang humpay na tulong nito sa lahat ng sektor ng lipunan, katuwang ang tanggapan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Field Office-12 Regional Director Loreto V. Cabaya, na dahil na rin sa kanilang pagsisikap nabigyan ng tig-P1,500 na tulong-pinansyal ang dalawampung (20) OSY na nanggaling sa bawat barangay sa buong lalawigan, mula sa higit P14M na alokasyong inilaan ng pamahalaan.
Nitong ika-2 ng Oktubre 2024 sinimulan na ang naturang “pay-out activity” sa mga OSY sa bayan Aleosan na may 296 na benepisyaryo at Midsayap na may 799. Ito ay sinundan ng pamamahagi sa mga bayan ng Libungan na may 376 na OSY; Pigcawayan, 557; Pikit, 388; Carmen, 442; Banisilan, 117; Alamada, 300; M’lang, 740; Matalam, 636 at Kabacan na may 290 na OSY. Ipinagpatuloy naman ito ngayong Miyerkules sa bayan ng Tulunan na may 321 na benepisyaryo, kasabay ng Makilala na may 694 OSY. Isasagawa naman sa susunod na mga araw ang pamamahagi sa mga bayan ng Magpet na may 602 na benepisyaryo; President Roxas,500; Arakan, 501 at Antipas na may 239, OSY.
Naging bahagi rin ng pagsasakatuparan ng naturang programa sa ilalim ng DSWD-Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sina Senator Imee R. Marcos, House Speaker Martin G. Romualdez, TUCP Representative & Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza at 3rd District Congresswoman Ma. Alana Samantha T. Santos.//idcd-pgo-frigillana/photoby:WSamillano