Amas, Kidapawan City | Oktubre 9, 2024 -Ipinaabot ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza
ang kanyang pagsuporta sa isinagawang Farmer’s Field Day kahapon, Oktubre 8, 2024 ng Department of Agriculture XII para sa Regional Varietal Trial on Corn for Wet Season na ginanap sa Brgy. Sangat bayan ng M’lang sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Boardmember Jonathan M. Tabara.
Napili ang nasabing bayan bilang pilot area ng DA para sa low at high elevation areas na tinamnan ng iba’t ibang variety ng corn seeds na magiging daan upang matukoy ang binhi, pamamaraan at teknolohiya na naangkop sa mga sakahan, na magiging epektibong basehan sa pagbibigay ng mga interbensyon at tulong na magpapaunlad ang ani o produksyon ng mais sa lalawigan at rehiyon.
Nasa naturang aktibidad din sina Provincial Advisory Council member Albert G. Rivera at mga kawani ng DA XII at Office of the Provincial at Municipal Agriculturist.
Samantala, nakatakda namang isagawa ang kaparehong aktibidad sa Brgy. Malinao, bayan ng Banisilan ngayong darating na Oktubre 22 para naman sa mga sakahan ng mais na nasa high elevation area.//idcd-pgo-mombay/PhotobyOPAg//