Amas, Kidapawan City | Oktubre 9, 2024 – Isang konkretong patunay ng mga pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na pangalagaan ang kapakanan ng kabataan sa ilalim ng liderato ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang iginawad ngayong Martes ika-8 ng Oktubre 2024 kasabay ng idinaos na “Parangal ng Bayan Award” ng ChildFund Philippines.
Apat na tropeyo at isang medalyon ang tinanggap ng mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan para sa sumusunod na kategorya:
Government Partner Category: Provincial Government of Cotabato, dahil sa “collaborative efforts” nito sa pag-implementa ng “holistic anti-child labor intervention in the Philippines” kung saan isang plaque of recognition ang ibinigay para sa probinsya.
Para naman sa Individual Category sa kaparehong parangal, kinilala ang mga inisyatibo ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza lalo na sa pagsiguro na mapangalagaan ang karapatan ng kabataan na sila ay lalaki sa isang mapayapang pamayanan na isinasaalang-alang, higit sa lahat, ang kanilang kapakanan. Sa kaparehong kategorya din bingyan ng pagkilala sina Committee Chair on Peace and Security Board Member Sittie Eljorie Antao-Balisi, at Provincial Youth Development Officer Laarni Blase; sila ay tumanggap din ng tropeyo ng pagkilala.
Samantala, medalyon naman ang ibinigay para sa Support Award Category Provincial SHIELD (S-trategic, H-elp Desk, I-nformation, E-ducation, L-ivelihod, D-evelopmental Intervention) Focal of Cotabato Province na si Maureen Jan H. Lasanas, ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWD).
Ang naturang parangal ay ginanap sa Grand Closing and Learning Event ng Project SPEAK o Sustainable Programs for Education, Advocacies, and Knowledge ng ChildFund Philippines, na idinaos sa Loiza’s Pavilion, Malaybalay City, Bukidnon.//idcd-pgo-gonzales/photoby:PYDO, PSWDO/