Amas, Kidapawan City|Oktubre 8, 2024 – Naging panauhin ngayong umaga ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa kanyang tanggapan ang mga kawani mula sa Department of Transportation (DoTr) sa pangunguna ni Project Management Aviation and Airports Sector Head Eduardo Mangalili.
Dito, iprinisenta ng grupo ang nagpapatuloy na proyektong ipinapatupad sa Central Mindanao Airport sa bayan ng M’lang, Cotabato na pinagsisikapang matapos ng tanggapan nina 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos, Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Partylist Representative Raymond Democrito Mendoza, at ni Governor Mendoza.
Kabilang sa mga napag-usapan ngayong araw ay ang update sa mga sumusunod na proyekto: site acquisition; site development at landslide area and construction of open canal; and rehabilitation of passenger terminal building, construction of power house, construction of vehicular parking area and construction of transformer yard.
Naging sentro din ng nabanggit na usapan ang nagpapatuloy na asphalt overlay of runway including runway strip grade correction na pinondohan ng abot sa P290M na bahagi ng P450M pondong inilaan ng pamahalaang nasyonal ngayong taon para sa naturang paliparan sa pagsisikap ni Congresswoman Santos at Congressman Mendoza, at sinuportahan din ni House Speaker Martin Romualdez.
Samantala, nakatakda naman for bidding ang P150M projects na bahagi pa rin ng naturang pondo na ipapatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na binubuo ng construction of control tower building, P90M; construction of fire station building, P15M; construction of administration building, P20M; power supply system, P15M; at water supply system na P10M.
Determinado naman si Governor Mendoza na sa kooperasyon at tulong ng national government ay matatapos ang matagal nang pinapangarap na airport ng bawat Cotabateño na magbubukas ng isang napakalaking oportunidad sa lalawigan lalo na sa larangan ng turismo, ekonomiya, agrikutura at komersyo.//idcd-pgo-sotto/PhotobyCSMombay&RSotto//