Bisikleta para sa mga piling estudyante ng USM, nakatakdang ipamahagi

Nakatakdang mamahagi ng bisikleta ang pamahalaang panlalawigan sa mga piling estudyante ng University of Southern Mindanao (USM) bilang bahagi ng programa nito para sa mga kabataan.

Sa pakikipagpulong ngayong hapon ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza kay University of Southern Mindanao (USM) University Student Government (USG) President Kenny Floyd F. Montelija, ipinarating nito ang intensyon ng probinsya na makakatulong sa mag-aaral ng unibersidad.

Inatasan ng gobernadora si Montelija na makipag-ugnayan kay Sangguniang Kabataan Provincial Federation President Karen Michie Guzman at sa Provincial Youth and Development Division na siyang mangunguna sa pagbuo ng mga alituntunin o guidelines, na magiging basehan sa implementasyon ng programa.

Tiniyak naman ni Montelija na magiging magkatuwang ang USM-USG at kapitolyo sa pagpapatupad ng nasabing hangarin, at pinasalamatan ang gobernadora sa tulong na ipinaabot nito sa unibersidad.//idcd-pgo-sotto//