“Stay committed to your work,” buod ng mensahe ni Mayor Jonathan Mahimpit sa mga empleyado ng kapitolyo

Amas, Kidapawan City| Oktubre 7, 2024 – Naging makahulugan ang ang mensaheng ipinaabot ni President Roxas Municipal Mayor Jonathan Mahimpit sa mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato, matapos itong maimbitahan bilang panauhin sa Monday Flag Raising Ceremony na ginanap ngayong araw sa Provincial Capitol Grounds, Amas, Kidapawan City.

Sa kanyang naging mensahe, binigyang diin nito na nakasalalay sa “workforce” o kawani ng isang lokal na pamahalaan ang tagumpay ng isang lider. “Bisan ano pa ka maayo ang isa ka lider, kung ang mga empleyado wala kooperasyon kag nagkadaiya ang direksyon hindi naton makab-ot ang aton damgo,” wika ni Mayor Mahimpit.

Nabanggit din nito na ang mga lider ay natatapos ang termino ngunit ang mga empleyado ay nanatili sa kanilang katungkulan hanggang sa ito ay magreretiro. Hiniling niya rin ang mga ito na mas lalo pang pagbutihin ang trabaho dahil bahagi ito ng kanilang sinumpaang tungkulin.

“Stay committed to your work,” kay isa kamo sa mga nagahatag sa mga lider sang inspirasyon nga maningkamot “to also work more and work harder,” pagtatapos nito.

Nagpasalamat naman ito kay Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa pagkakataong maging panauhin sa naturang flag raising ceremony.