Amas, Kidapawan City | Oktubre 7 2024 – Isinagawa ng Provincial Persons with Disability Affairs Council (PPWDAC) ang kanilang 3rd quarterly meeting ngayong 2024 sa Cotgem Building, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City.
Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng mga miyembro ng konseho upang talakayin ang mga nagawa at planong programa para sa kapakanan ng mga Persons with Disability(PWD) na buo ding sinusuportahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza lalo na sa pagsusulong ng mga inisyatibong nagpapabuti ng kalagayan ng mga ito.
Isa sa mga pangunahing agenda ng pagpupulong ang presentasyon ng accomplishment report para sa PWD welfare program mula Enero hanggang Hunyo 2024. Inilatag dito ang mga natapos na mga proyekto at naihatid na mga serbisyo para sa nasabing sektor.
Tinalakay din ang updates hinggil sa mga sumusunod: government investments on education, health and wellness; barrier-free tourism; grievance mechanisms for PWDs at ang pagpapaabot ng kabuhayan, pagsasanay, at trabaho na bahagi ng mga isinusulong na plano ng kapitolyo upang maiparamdam ang malasakit at pangangalaga ng pamahalaan para sa mga PWDs.
Ang patuloy na pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan sa mga organisasyon at stakeholders ay inaasahang magdudulot ng mas malawak at mas epektibong mga programa para sa mga PWDs ng lalawigan.// idcd-pgo-delacruz// Photoby: PSWDO//