Sektor ng PWDs sa lalawigan, sumailalim sa oryentasyon hinggil sa Philippine Registry for PWDs

Amas, Kidapawan City | Oktubre 6, 2024 – Dahil  binibigyang prayoridad ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang kapakanan ng mga nasa bulnerableng sektor ng lipunan, kung saan kabilang ang grupo ng Persons with Disabilities (PWDs), nagsagawa ng oryentasyon ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) hinggil sa Philippine Registry for PWDs (PRPWD) na isang online system.

Ito ay dinaluhan ng PWD Affairs Officers, focal persons at association presidents mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan, kung saan binigyan ng kamalayan at hinikayat ang mga partisipante dito na magparehistro sa naturang sistema para mabigyan ng “unique identification card/number” at maka-access sa mga diskwento, benepisyo at iba pang programang ipinapaabot ng pamahalaan.

Alinsunod din ito sa Magna Carta for Disabled Persons na nakatutok sa pangangailangan ng mga PWDs sa lalawigan at sa buong bansa upang mabigyan ang mga ito ng angkop na interbensyon na isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., kaagapay ang mga tanggapan nina Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian at ni DSWD XII Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr. para sa SOCCSKSARGEN Region.

Nagsilbing resource speaker ng naturang aktibidad si Program Focal Person Zandro A. Casado ng Department of Health kung saan dinaluhan din ito ni PSWD Officer Arleen A. Timson at Provincial Program Coordinator Jhasanah B. Lundayao.//idcd-pgo-mombay/PhotobyPSWDO//