Cong. Sam binigyang-diin ang kahalagahan ng pagbabasa at mga aral mula sa mga librong dala ng Bookmobile

Mas naging makabuluhan ang pagdating ng Bookmobile Library sa Dungoan Elementary School sa bayan ng M’lang dahil kasabay nito si 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos, kung saan 120 na mga bata ang nag-abang nitong ika-4 ng Oktubre, 2024.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Cong. Sam, “Every story has a lesson, even ang Sleeping Beauty may lesson,” na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagbabasa at mga aral na makukuha mula sa mga librong dala ng Bookmobile. Nadagdagan pa ang tuwa ng lahat lalo na ng mga bata sa pa-ice cream ng kongresista.

Ipinaabot din ni Principal Baicel M. Tayong ang pasasalamat kay Gov. Lala sa pagpili sa kanilang paaralan para sa programang Bookmobile, na nagbigay sa mga bata ng pagkakataong maranasan ang pumasok sa isang library at humawak ng libro at tablet.

Nakiisa rin sa aktibidad si Sangguniang Kabataan Provincial Federation President Karen Michie De Guzman, maging si Punong Barangay Patutin A. Sagadan, Jr. kasama ang buong barangay council.

Ang Bookmobile Library Services Program ay isa sa mga inisyatiba ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na naglalayong itaguyod ang literasiya sa pamamagitan ng pagdadala ng mga aklat at iba pang mga materyal na pang-edukasyon sa mga komunidad, lalo na sa mga malalayong lugar na walang silid aklatan.//idcd-pgo j.abellana/photo by idcd-LIBRARY//.