Amas, Kidapawan City | Oktubre 5, 2024 – Nagsagawa ng pagpupulong kamakailan lang ang pamahalaang panlalawigan na pinamumumuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza para sa mga miyembro ng Federation of Cotabato Cardava Organization (FedCCO).
Ito ay pinangasiwaan ng Office of the Provincial Agriculturist na naglalayong makapagtalaga ng mga opisyales na siyang mangunguna at mamamahala sa mga gawain ng grupo kabilang na ang pagpapaabot ng mga programa at serbisyong mapapakinabangan ng banana planters sa probinsya.
Kabilang sa mga napiling opisyales nito ay sina Gonzalo Magaro ng Tamped Banana Growers Association, Matalam bilang chairperson; Wilfredo Alpuerto, vice-chairperson; Vivian Amparado, secretary; Marivic Antonducan, treasurer; Miguel Tomarlas, auditor; Wilson Estinopo, PIO at Rubelyn Serwe bilang business manager.
Maliban dito, napag-usapan din ang kahalagahan ng pag-update ng mga datos ng kanilang mga miyembro, pagbuo na marketing agreement sa TreeLife at pakikipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry upang makakuha ng napapanahon at kaukulang interbensyon para sa nasabing grupo.
Nasa naturang pagpupulong sina Acting Provincial Agriculturist Engr. Elena E. Ragonton, OPAg-Crops Division Chief Fidel C. Raya, Tree Life representative Gretchen Joy Rosales, DTI representative Gerlie Rivero at mga kinatawan mula sa banana organizations ng mga bayan ng Libungan, Midsayap, Matalam at President Roxas.//idcd-pgo-mombay/PhotobyOPAg//