Amas, Kidapawan CityI Oktubre 5, 2024- Muling bumyahe ang “Library-on-wheels” o ang Bookmobile Library Services Program na ipinapatupad ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, kung saan naging destinasyon nito ang Sta. Maria Elementary School sa bayan ng Matalam na may 120 na mag-aaral.
Dahil sa kagalakan at kasabikan, namutawi sa labi ng batang si Mila Rose Estabillo na isang grade 6 pupil ang mga katagang, “Thank you Gov. Lala sa pagdalaw ng Bookmobile sa aming paaralan.”
Dala ng inisyatibong ito ang dagdag na kaalaman, bagong karanasan mula sa mga aklat, “tablet” at “talking pens at ang nakakapanabik na aktibidad gaya ng “puzzle making’ at “actual reading” na inihanda ng Provincial Library Services bilang tagapangasiwa ng programa.
Ang pagdating naman ni boardmember Joemar “Kano” Cerebo bilang representante ni Gov. Mendoza ay nagdagdag ng saya sa lahat dahil na naiparamdam nito sa kanila ang pagsuporta ng pamahalaang panlalawigan.
Buo rin ang suporta ng mga guro, mga magulang at maging ng mga opisyales ng ng barangay sa pamumuno ni Punong Barangay Felisa M.Asildeque.//idcd-pgo j. abellana/ photo by Prov’l Library//.