Bookmobile Library tinangkilik ng mga estudyante ngNew Bugasong Elementary School, Matalam

Amas, Kidapawan City/ Oktubre 4, 2024- Sabik na tinangkilik ng 120 na mga estudyante sa New Bugasong Elementary School ng Matalam, kasama ang kanilang mga magulang at mga guro, ang Bookmobile Library na dumating sa kanilang paaralan bilang bahagi ng inisyatiba ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza upang tugunan ang hamon ng pagpapaangat ng literasiya sa lalawigan, lalo na sa mga lugar na limitado ang access sa silid aklatan at iba pang educational materials.

Laman ng Bookmobile bus ang iba’t ibang koleksyon ng mga aklat na inaasahang magiging inspirasyon tungo sa paglaganap ng kultura ng pagbabasa lalo na sa mga kabataan. Kinagiliwan din ng mga mag-aaral ang “tablets” at “talking pens” pati na ang mga makukulay na mga libro na hindi lang nagbigay ng mga bagong kaalaman, ngunit kabilang din ang hindi malilimutang karanasan para sa bata.

Nakiisa si Sangguniangan Kabataan Provincial Federation President Karen Michie De Guzman bilang kinatawan ni Gov. Mendoza sa nasabing aktibida na pinangasiwaan ng mga kawani ng Provincial Library Services Division sa pangunguna ni Leony Vera Nebrija Gaburo.// idcd-pgo j.abellana/ photo by Prov’l Library//.