Amas, Kidapawan City I Oktubre 3, 2024 – Matapos ang matagumpay na pagdaos ng “Community Responders Assembly” sa una at ikatlong distrito ng lalawigan, pinagsama-sama rin ngayong Huwebes ng pamunuan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa pakikipagtulungan ng Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office (PDRMMO) sa mga lokal na pamahalaan, ang mga abanteros ng ikalawang distrito ng lalawigan para sa kaparehong pagtitipon na ginanap sa Municipal Gymnasium, Magpet, Cotabato.
Ang nasabing asembliya ay dinaluhan ng “volunteer responders” na nagsipagtapos sa 15-day Capacity Development Training sa layuning mapalakas ang kanilang kakayahan at kapasidad bilang unang mga tagapamagitan sa anumang emerhensiya at sitwasyon na nangangailangan ng agarang tulong tulad ng sakuna at kalamidad.
Sa kahalintulad na aktibidad na ginanap sa bayan ng Carmen kahapon, binigyang pagsaludo ni Gov. Mendoza ang dedikasyon ng mga abanteros sa pagganap ng kanilang tungkulin, matiyak lamang ang kaligtasan ng buong komunidad.
Bahagi ng aktibidad ang isinagawang election of officers per district, open forum, distribution of year-end cash incentives na itinaguyod ng Provincial Treasurer’s Office at orientation and distribution of Individual Accidental Insurance of the Philippine Red-Cross Kidapawan City Chapter at ang pagbalangkas ng “By-laws of the Cotabato Community Responders Association.”
Ang nasabing kaganapan na pinamunuan ni Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Department Head Arnulfo A. Villaruz ay binisita ng mga kinatawan ni Gov. Mendoza na sina Board Members Ryl John Caoagdan, Ex-Officio Board Members na sina Liga ng mga Barangay Provincial Federation President Phipps T. Bilbao at Provincial IPMR Arsenio M. Ampalid, kasama sina former Vice-Governor Shirlyn D. Macasarte-Villanueva, former Magpet Vice-Mayor Florentino “Toto” Villasor at Serbisyong Totoo Focal Person Edgar Visabella. Naroon din si Magpet Mayor Jay Laurence Gonzaga na nagpakita rin ng pagsuporta sa naturang pagtitipon. //idcd-pgo-frigillana/photoby:pdrrmo/