Bureau of Immigration, magsasagawa ng Expanded Program for Alien Typing System

Suportado ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza ang programang Expanded Program for Alien Typing System (EXPATS) na ipinapatupad ng Bureau of Immigration (BI).

Sa kanilang pagbisita sa sa tanggapan ng gobernardora ngayong hapon, inihayag ni BI Alien Control Officer Bail Allie Lidasan na magsasagawa ang ahensya ng EXPATS sa siyudad ng Kidapawan sa ika-5 ng Oktubre at sa bayan naman ng Midsayap sa Oktubre 7, 2024. Layunin nito na mapadali at mapabilis ang pagproseso ng mga dokumento ng mga dayuhan o alien na pumapasok o nananatili sa bansa.

Tiniyak naman ni Gov. Mendoza na magiging katuwang ng BI ang pamahalaang panlalawigan na isa rin sa mga paraan upang mas maging organisado ang pag-monitor sa mga aktibidad at estado ng mga dayuhang bumibisita sa lalawigan na tungo sa mas maayos na implementasyon ng mga batas o mga pamantayang itinakda ng gobyerno ukol sa imigrasyon at seguridad ng bansa.//idcd-pgo-sotto//