Amas, Kidapawan City I Oktubre 2, 2024-Ipinakita ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliָño-Mendoza ang kanyang lubos na pagpapahalaga sa apatnapung (40) “rebel-returnees” sa idinaos na “Opening Ceremony ng Returnee Comprehensive After Care Program” sa 602nd Brigade Covered Court, Camp Lucero, Carmen, Cotabato, kung saan puno ng pag-asang inihayag ng butihing gobernadora sa mga dating rebelde na, “Ang probinsya will be your partner” lalo na sa pagbabalik-loob ng mga ito sa gobyerno.
Ito ay sumasalamin ng aktibong “partnership” sa pagitan ng lokal na pamahalaan at military upang matulungan na makapagsimula ng bagong buhay ang mga nabanggit na ”returnees” na karamihan ay nagmula sa SGA-BARMM o Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na dating sakop ng lalawigan ng Cotabato.
Ibinahagi ni Gov. Mendoza ang kanyang hangarin na tulungan ang SGA-BARMM sa mga “social services” na kinakailangan nito tulad ng “hospitalization at medical assistance,” kaagapay ang tanggapan nina 3rd district Representative Ma. Alana Samantha T. Santos at Deputy Speaker and Trade Union Congress of the Philippines Representative Raymond Democrito Mendoza.
Ikinagalak naman ng mga returnees ang naging pahayag ng ina ng lalawigan na patuloy itong makikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa posibleng pag-avail ng livelihood at cash for work programs para sa kanila, kung saan hinikayat din nito ang lahat, maging ang pamunuan ng 602nd Infantry Battalion, na pagsama-samahin sila sa iba’t ibang grupo o clusters at makipag-ugnayan kay Public Employment Service Office (PESO) Provincial Manager Yvette Dominique D. Lee para sa nasabing layunin.
Nasa nabanggit na okasyon sina 602nd Brigade Commander BGEN Donald M. Gumiran, PA, at Deputy Brigade Commander COL Neil Alfonso R. Roldan, //idcd-pgo-frigillana/photoby:WSamillano