Amas, Kidapawan City| Oktubre 2, 2024 – Plano ngayon ng Department of the Interior and Local Government – Local Government Academy (DILG- LGA) na gagawing pilot area sa programang “Mainstreaming Positive Peace for LGUs” ang lalawigan ng Cotabato.
Ito ang inihayag ngayong araw ni Irene Santiago, Founder ng Kahayag Foundation na nakabase sa Davao City na katuwang ng DILG-LGA sa implementasyon ng nabanggit na programa, matapos nitong makita ang potensyal ng probinsya na maging model province dahil sa mahusay nitong implementasyon ng mga programa at proyekto na may kinalaman sa peace and development.
Nakita din ng mga ito ang “strong and innovative leadership” ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza na bukas para sa anumang mga inobasyon na makakatulong sa pag-unlad at pagsulong ng kapayapaan sa probinsya.
Iprinisenta din ng grupo, sa pamamagitan ng representante nito na si Sally Jumalon, ang usapin tungkol sa mainstreaming positive peace sa mga lokal na pamahalaan kung saan magiging kabahagi nito ang mga local chief executives, private sectors, academe at iba pang stakeholders sa pagbuo ng isang estratehiya at plano para sa pagkamit ng isang mas mapayapa at maunlad na Cotabato.
Suportado naman ni Gov. Mendoza ang nasabing programa at tiniyak na ang buong kooperasyon ng lalawigan na ipinagpasakamat naman ng grupo./idcd-pgo-sotto//