Amas, Kidapawan City | Oktubre 2, 2024 – Nagpahayag ng pagsaludo si Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa mga tinaguriang “abanteros” ng probinsya na siyang aktibong kaagapay ng pamahalaang panlalawigan sa pagtugon sa “emergency needs” ng komunidad lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Ito ang mensahe ni Gov. Mendoza, kasabay ng kanyang personal na pagbisita sa ginawang asembliya para sa volunteer rescuers ng ikatlong distrito ng lalawigan na nakapagtapos sa 15-day capacity development na pinangasiwaan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para sa lahat ng volunteer responders o rescuers.
“Saludo kami sa inyong dedikasyon, amo nga kami nagasuporta gid sa inyo, kay kabalo kami nga naningkamot kamo nga makabulig sa inyong tagsa-tagsa ka mga barangay,” saad ng gobernadora.
Binanggit din nito ang sanib-pwersang pagsisikap ng kanyang pamunuan kasama ang men-in-uniform, mga lokal na pamahalaan, at iba pang otoridad upang mapaghandaan ang mga natural na kalamidad, at mga sakunang maaring maidulot ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya at modernisasyon.
Ito ay ginanap sa Carmen Municipal Gymnasium sa pangangasiwa ng tanggapan ni PDRRM Officer Arnulfo A. Villaruz kung saan dumalo din sina Boardmembers Joemar S. Cerebo at Ivy Martia Lei Dalumpines-Ballitoc, PGO- Technical Assistant LTC Emmanuel C Tuyan, MNSA at Kabacan Municipal Mayor Evangeline P. Guzman.//idcd-pgo-mombay/PhotobyWMSamillano//