“Community Responders Assembly” idinaos ng kapitolyo sa unang distrito ng lalawigan

Amas, Kidapawan City I Oktubre 2, 2024 – Batid ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang peligrong nararanasan ng “volunteer rescuers” sa tuwing humaharap sa mga emerhensiya, aksidente at sakunang dumarating sa komunidad. Kaya, ang pagpapalakas sa kanilang kakayahan ay isang malaki at epektibong tulong upang matiyak ang kanilang kaligtasan at ang kahusayan sa pagganap habang tinutugunan ang iba’t ibang hamon sa oras ng pangangailangan. 

Kaugnay nito, inorganisa ng kapitolyo sa pamamagitan ng Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa pangunguna ni Department Head Arnulfo A. Villaruz, katuwang ang lokal na pamahalaan, ang “Community Responders Assembly” na dinaluhan ng mga tinaguriang “abanteros” mula sa 1,753 na kabuoang bilang na nagtapos sa 15-Day Capacity Development for Volunteer Responders ng probinsiya para sa taong 2023-2024. 

Parte ng aktibidad ang election of officers per district, open forum, distribution of year-end cash incentives na itinaguyod ng Provincial Treasurer’s Office at orientation and distribution of Individual Accidental Insurance of the Philippine Red-Cross Kidapawan City Chapter.  Nagbalangkas din ang grupo ng “By-laws of the Cotabato Community Responders Association.”

Samantala, mapapabilang naman ang mga kwalipikadong “abanteros” sa listahan ng “military reservist” matapos nilang makumpleto ang mga kinakailangang dokumento na itinakda ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ang hakbanging ito ay bilang pagsuporta na rin sa Military Reservist Program ng pamahalaan.

Nasa naturang aktibidad ang mga kinatawan ni Gov. Mendoza na sina board members Sittie Eljorie C. Antao-Balisi at Dr. Edwin L. Cruzado, former Vice-Governor Shirlyn D. Macasarte-Villanueva at former Board Member Rosalie H. Cabaya , kasama si Midsayap Mayor Rolly Sacdalan.//idcd-pgo-frigillana/photoby:pdrrmo