Inihatid ngayong araw Oktubre 1, 2024 ng pamahalaang panlalawigan ang Bookmobile Library Services Program sa bayan ng Matalam, partikular sa Manupal Elementary School, kung saan abot sa 208 na mag-aaral na nakabenipisyo nito ang labis na natuwa at nagpasalamat sa pagdating ng mobile library sa kanilang paaralan.
“Nagpapasalamat po kami kay Gov. Lala sa Bookmobile, dahil kakaibang experience ito para sa amin, at kahit sa kaunting panahon ay may natutunan po kami,” masayang pagpahayag ni Crystal Joy Donesa, Grade 6 pupil rito na nagkaroon ng pagkakataon na i-explore ang library bus at ang mga makukulay na aklat, at makabagong kagamitan sa mobile library.
Layunin ng programang ito na pukawin ang interes ng mga bata sa pagbabasa, pananaliksik, at pagiging lohikal sa pag-iisip sa pamamagitan ng mga aktibidad na isinasagawa gaya ng puzzle-making, at sa paggamit ng mga gadgets gaya ng “tablets” at “talking pens.”
Bilang mga kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, bumisita sina Board Member Ivy Martia Lei Dalumpines-Ballitoc at Sangguniang Kabataan Provincial Federation President Karen Michie De Guzman sa nasabing aktibidad.
Nagpasalamat din si School Head Alyne M. Dela Torre sa programang ito na nagsilbing tulay upang maisulong ang literasiya sa lalawigan. Buo naman ang suporta ng mga magulang at opisyales ng Parents-Teachers Assciation (PTA) at ng barangay na pinamumunuan ni Punong baranagay Mr. Tito B. Espartero.//idcd-j.abellana/ photo by IDCD-Library//.